HINIKAYAT | DOTr, hinimok na huwag tanggalin ang exemption sa city bus sa PITX

Manila, Philippines – Nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress (ALU-TUCP) na huwag bawiin ang exemption na ibinigay sa may 300 city buses na hindi na magsasakay ng pasahero sa landport o Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) system .

Ayon kay Allan Tanjusay, spokesperson ng ALU-TUCP, direktang maapektuhan dito ang mga manggagawang nagco-commute mula sa Southern Luzon areas patungong Metro Manila.

Paliwanag ni Tanjusay, sa halip na P12, gumagastos na ngayon kada araw ng P36 ang mga manggagawa para lamang sa transport expenses.


Nadagdagan din ang oras ng biyahe dahil sa makailang ulit na sakay-baba sa iba’t-ibang bus stations.

Mas maraming lost opportunity lamang umano ang nangyayari dahil sa additional layer sa paggamit lamang ng PITX system.

Abot sa 250,000 na manggagawa ang nanggagaling pa sa Cavite, Laguna at Batangas na nagtatrabaho araw-araw sa Metro Manila.

Facebook Comments