Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na bumili sa mga supermarkets na sumusunod sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) kaysa sa mga wet market.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, may ilang groceries at supermarkets ang nagbebenta ng consumer goods na mas mababa pa sa SRP.
Tiniyak din ni Lopez na nananatiling matatag ang presyo ng mga basic goods at prime commodities.
Pero nilinaw din ng kalihim na nasa mga mamimili na ang desisyon kung saan ito gustong bumili.
Sa ngayon, ang SRP ay ipinatutupad lamang sa groceries at supermarkets pero plano na rin itong ipatupad sa mga agricultural products.
Facebook Comments