DOF iprinisinta ang mga rekomendasyon para matugunan ang isyu tungkol sa military at police pension

Manila, Philippines – Iprinisinta na ng economic team ng Department of Finance (DOF) ang mga rekomendasyon para masolusyonan ang mga isyu tungkol sa pensyon ng mga military at police personnel.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Domiguez, isa sa rekomendasyon ay ang pag-assign sa Government Service Insurance System (GSIS) bilang fund manager ng military at police pension.

Hindi pa matiyak ni Dominguez kung magkano ang eksaktong capital na kailangan ng gobyerno para suportahan ang military pension, pero malaki aniya ang kailangan.


Nitong Setyembre 2017, sinabi ni dating GSIS Chairman at ngayon ay Health Secretary Francisco Duque na ang pension fund ay nangangailangan ng pitong trilyong piso kung nais ng national government na ma-integrate ang military pension system.

Facebook Comments