HINIKAYAT | DTI, pina-aaksyon ng consumers group para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin

Manila, Philippines – Hinikayat ng consumer group ang Department of Trade and Industry (DTI) na kalampagin ang mga negosyante para magbaba ng presyo.

Sabi ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, kung hindi magkukusa ang mga negosyante na magbaba ng presyo ng kanilang produkto, dapat na maglabas na lang ng kautusan ang DTI.

Matapos ang limang sunod na linggong bigtime rollback sa presyo ng langis nasa 13 percent na ang ibinaba sa gastos ng mga negosyante sa pagbabiyahe ng mga produkto.


Kaya kung tutuusin aniya, tubung-tubo na ang mga negosyante.

Sabi ni Dimagiba, dapat lang na iparamdam ng gobyerno sa mga consumer ang pagbaba ng presyo ng lahat ng produkto na sinasabing nagtaas dahil sa pagmahal ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments