Manila, Philippines – Hinikayat ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga kapwa mambabatas at mga kandidato sa 2019 midterm elections na boluntaryong sumailalim sa drug testing.
Ito aniya ay bilang suporta na rin sa anti-illegal drug campaign ng Duterte administration at para mapatunayang malinis sa iligal na droga ang mga pulitiko.
Katwiran ni Andaya kung ang mga kabataan at estudyante ay inirekomendang isailalim sa drug test, ito ay dapat na simulan muna sa mga kandidato na nangangarap na magsilbi sa bayan upang mapanatili ang integridad sa pamamahala.
Aniya, ang pagsasagawa ng mandatory drug tests sa mga kandidato ay makakatulong sa kampanya ng administrasyon laban sa narco politicians.
Pero sa naunang ruling ng Korte Suprema, idineklara nitong unconstitutional ang drug test bilang dagdag sa mga requirements ng mga tatakbo.