HINIKAYAT | Mga kumpanyang hindi magbibigay ng 13th month pay, dapat ireklamo – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Hinimok ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga manggagawa na idulog sa kanila ang mga reklamo laban sa mga employer na hindi nagbibigay ng 13th month pay.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, ito ay para mapatawan ng legal na aksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer o kompanya.

Aniya, may pananagutan sa batas ang mga employer o kompanyang hindi nagbibigay ng 13th month pay.


Giit ni Tanjusay, posibleng patawan ng malaking multa hanggang sa mauwi sa pagkakasara ang mga kompanyang lalabag sa batas tungkol sa 13th month pay.

Dapat din aniyang matanggap ito ng mga manggagawa bago matapos ang taon at iba pa ang 13th month pay sa Christmas bonus.

Facebook Comments