HINIKAYAT | Mga may utang sa SSS dapat ng bayaran at huwag umasa sa condonation

Manila, Philippines – Hinikayat ni SSS President and CEO Emmanuel Dooc na bayaran na ang mga pagkakautang sa Social Security System (SSS) para magkaroon ng mas maayos na benipisyo kapag sumapit na ang araw o panahon ng retirement.

Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Dooc na huwag ng hintayin pang lumaki ang penalties sa mga loan para hindi sila mahirapan sa pagbabayad ng kanilang mga inutang sa SSS.

Paliwanag ng opisyal na bagamat may condonation na ipinagkakaloob ang SSS ay huwag asahan ito dahil isang beses lamang ito magagamit ng isang miyembro at hindi pwede ulitin.


Dagdag pa ni Dooc na mahigit na 36 milyon ang miyembro ng SSS kung saan mahigit na 21 milyong miyembro ang hindi nakapagpatuloy ng kanilang paghuhulog kaya imino-monitor ng ahensiya ang mga kumpanyang hindi binabayaran ang kanilang empleyado sa kabila ng patuloy na pagkaltas sa sweldo.

Tiniyak naman ng pamunuaan ng SSS na pananagutin ang mga kumpanyang mapapatunayan nilang lumalabag sa batas.

Facebook Comments