Manila, Philippines – Hinihikayat ng Pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng indibidwal o grupo na naabuso ng militar dahil sa umiiral na Martial Law sa Mindanao na magreklamo sa kanila.
Sa harap ito ng mga ulat na marami umanong sundalo sa Mindanao ang lumalabag sa karapatang pantao dahil sinasamantala ang umiiral na martial law.
Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo tumungo aniya sa pinakamalapit na himpilan o headquarters ng militar ang mga may reklamo at tiniyak nyang agad itong aaksyunan.
Pero magsasagawa rin aniya sila ng validation kung talagang ang nagrereklamo ay totoong biktima ng pangaabuso.
Dahil mahigpit aniya ang bilin sa lahat ng sundalo na huwag lalabag sa karapatang pantao.
Ang martial law ay nanatiling umiiral sa Mindanao matapos na salakayin noon ng Maute ISIS terrorist group ang Marawi City.