SIKAT NA | Parrot na obsessed sa pag-ooperate ng Alexa, instant celebrity sa social media!

“Instant sikat” sa social media ang isang African Gray Congo parrot na obsessed sa paggamit sa Alexa — isang virtual assistant na imbensyon ng electric commerce company na Amazon.

Kwento ng owner ni Petra, natuto raw itong mag-operate ng Alexa mula sa kanyang echo smart speaker na ginagamit niya sa pag-o-on and off ng mga ilaw sa kanilang bahay.

Dahil lagi raw itong naririnig ni Petra, ginaya na ito ng parrot kaya maya’t maya, patay-sindi na raw ang kanilang ilaw.


Minsan nga raw ay nag-a-i love you pa ito sa alexa at tinatanong ng “kumusta ka na?”

Ang 4-year old parrot ay may kakayahan umanong magbigkas ng mahigit 300 salita.

Facebook Comments