HINIKAYAT | Mga residente sa Marawi, hinimok na huwag manahimik sa kung ano ang gusto nilang mangyari sa kanilang lungsod

Marawi City – “Iparinig niyo ang boses ninyo, huwag kayong manahimik!”

Ito ang sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, sa mga taga-Marawi City sa kanyang mensahe, sa paggunita ng unang anibersaryo ng Marawi siege at pagtatapos ng Marawi week of peace, kamakailan lang.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Dureza na hindi magdidikta ang gobyerno sa mga residente dahil dapat ay manggagaling sa kanila ang mga suhestiyon kung papaano ibalik sa dating sigla ang Marawi City pagkatapos itong masira na dulot ng limang buwang digmaan noong nakaraang taon.


Hinimok nito ang mga residente na magiging pro-active.

Binuo, aniya ang Task Force Bangon Marawi, upang humarap at tumugon sa mga pangangailangan ng mga taong nasa ground.

Silang mga residente, aniya, ang dumaan sa kahirapan kaya sila rin ang mas nakakaalam kung papaanong hindi na mauulit ang nangyaring pag-atake ng mga terorista.

Nilinaw ni Dureza ang kahalagahan ng isang inclusive at aktibong partisipasyon ng mga residente sa gagawing rehabilitation process.

Facebook Comments