Hinikayat ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, ang mga mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa ikatatagumpay ng buong bansa at makamit ang pagkakaisa.
Walang naman tinukoy ang Obispo pero nilinaw na sa lahat ng pagkakataon na maaaring makiisa o makipag-ugnayan ang publiko ito ay marapat na gawin.
Bukod rito ay hiniling din ng Chairman ng Ecumenical Bishops’ Forum sa mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang Pangulong Duterte na gabayan sa kaniyang pamamahala sa bayan.
Matatatandaan na sunud-sunod ang pagbatikos ng Pangulo laban sa simbahan at sa mga namumuno rito tulad ng pag-akusa kay Bishop Ambo David ng pagnanakaw sa koleksyon ng simbahan at isinangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.
Kinakalinga ni Bishop David ang mga biktima ng masamang epekto ng ilegal na droga sa pamamagitan ng church based drug rehabilitation program at pag-aruga sa mga maybahay at kabataang naulila dahil sa extra judicial killings o EJK na batay sa tala ng mga human rights group ay higit na sa 20, 000 ang bilang ng nasawi.