Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa ang panukalang magtatatag ng Department of Disaster Management (DDM).
Sa talumpati ng Pangulo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA), ang ipinapanukalang ahensya ay layong maging mabilis at organisado ang pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad.
Sa ngayon, nakabinbin sa Kongreso ang panukala.
Ang mga nasabing panukala ay siyang papalit sa kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Facebook Comments