Manila, Philippines – Hinikayat ni Acting Supreme Court Justice Antonio Carpio ang pamahalaan na maghain na ng protesta sa China
Sa harap ito ng patuloy na militarisasyon ng Tsina sa West Philippine Sea.
Pinakahuli dito ang pagpapadala ng China ng H-6K long range bomber sa Woody Island na may kakayahang magdala ng nuclear-armed cruise missiles.
Ayon kay Justice Carpio, kaya nitong mag-take-off alinman sa 3-kilometer military grade runways ng China sa Mischief Reef, Subic Reef at Fiery Cross Reef.
Iginiit ni Justice Carpio na ang tatlong reefs na ito at nasa loob ng Kalayaan Island group ng Pilipinas.
Sa pamamagitan aniya ng protesta, mapangangalagaan ng bansa ang ating exclusive sovereign rights sa Mischief reef na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.