Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Population (POPCOM) ang mga kalalakihan na sumailalim sa vasectomy o pagpapatali at pagseselyo sa daluyan ng semilya.
Ito ay upang maresolba ang tumataas na bilang ng populasyon sa bansa.
Sa interview ng DZXL RMN Manila kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez, bukod sa vasectomy, may ibang family planning services ang maaring ma-avail ng mga lalaki.
Pagtitiyak ni Perez, ligtas at walang masamang epekto sa relasyon ng mag-asawa ang pagsasailalim ng vasectomy.
Aniya sa pagtataya ng POPCOM, aabot na sa 105 milyon ang populasyon ngayon sa Pilipinas kung saan nasa 1.7 percent ang nadagragdag sa populasyon ng bansa kada taon.
Kaya naman target ng POPCOM na umabot sa 10% ng kabuoang contraceptives ay galing sa vasectomy at tubal ligation naman para sa mga babae.
Nakikipagtulungan na rin ang ahensya sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa posiblidad na pagbibigay ng leave incentives sa mga nais mag-avail ng family planning services.