HINIKAYAT | PRRD, muling hinimok ang mga rebeldeng komunista

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng komunista na makipag-negosasyon sa mga local government councilors para sa kapayapaan.

Ito ay kung ayaw nila at ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na makipag-usap sa kanya.

Dagdag pa ng Pangulo – kung nag-aalangan din sila sa mga konsehal ay maari nilang kausapin ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na may mga programa para sa rebel surrenders.


Ipinangako rin ni Pangulong Duterte na magbibigay ito ng housing facilities sa mga susukong rebelde.

Facebook Comments