HINIKAYAT | Publiko dapat makipagtulungan sa pagsawata sa katiwalian sa pamahalaan ayon kay Secretary Bong Go

Manila, Philippine – Hinikayat ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang publiko na lumapit sa kanyang tanggapan para isumbong o ireklamo ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Go, dapat ay makipagtulungan ang mamamayan sa pagsawata sa katiwalian sa pamahalaan kaya mas magandang isumbong ang mga nalalamang iregularidad na ginagawa ng mga opisyal ng gobyerno.

Tiniyak ni Go na laging bukas ang kanyang tanggapan sa mga sumbong pati sa mga kababayang nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.


Pero matatandaan na marami naring sinibak si Pangulong Rodrigo Duterte na mga tiwali umano sa gobyerno pero ang iba naman ay nailipat lang ng tanggapan at hindi naman nakasuhan ang marami sa mga ito.

Facebook Comments