PIPILI NA | Secretary Menardo Guevarra, nasa proseso pa ng pagpili ng mga bagong undersecretaries at assistant secretaries ng DOJ

Manila, Philippines – Wala pang napipili ang MalacaƱang na kapalit sa mga nagbitiw na undersecretaries at assistant secretaries sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nasa prosesyo pa siya sa paghahanap ng mga papalit sa mga nabakanteng posisyon na maari niyang pagkatiwalaan.

Paglilinaw ni Guevarra, ang mga opisyal na nagsumite ng kanilang courtesy resignations ay patuloy na gagawin ang kanilang tungkulin hanggaā€™t wala pang napipiling kapalit.


Aminado ang kalihim na kahit maari siyang magrekomenda ng tao sa palasyo, na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang huling desisyon.

Facebook Comments