Hinahamon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang may 200 trainers mula Marawi City at Lanao del Sur na magparami sa pamamagitan nang pagsasanay ng 3,000 iba pang trainers upang sila naman ang magsasanay sa mga manggagawa hindi lamang para sa pagbangon ng ekonomiya sa Marawi City at Lanao del Sur, kundi na rin upang mapaunlad na rin ang kanilang pamumuhay.
Bilang suporta sa Bangon Marawi, ang interagency economic rebuilding program ng gobyerno para sa nasirang siyudad ng Lanao del Sur, ang TESDA ay nagdaos ng multiplier trainers’ training program on agri-based product skills para madagdagan ang kaalaman ng 200 trainers na kinabibilangan ng mga katutubo, internally-displaced persons, rebel returnees at iba pang mahihirap na mamamayan ng Marawi City at lalawigan ng Lanao del Sur na ang mga aktibidades ay naglalayong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa mga agriculture-related occupations, tulad ng horticulture, crops production, poultry at small ruminants growing, food processing at mga tourism-related activities.
Kasunod nito hinihimok ni Director General At Secretary Guiling Mamondiong ang mga trainers na gamitin ang kanilang bagong mga natutunan na kasanayan upang magsanay ng ibang trainers at iba pang manggagawa, internally-displaced persons, rebel returnees at iba pang mahihirap na mamamayan at tumulong sa gobyerno sa paglutas ng kahirapan at pagkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa Muslim Mindanao.
Ayon pa sa opisyal, mag-oorganisa rin ang TESDA nang katulad na programa para sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi