Magsisilbing consultant ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP si AFP Chief of staff General Carlito Galvez Jr.
Ito ang inihayag mismo ng opisyal sa isinagawang prescon sa Camp Aguinaldo.
Aniya hiniling nya mismo kay Peace Adviser Jesus Dureza na nais niyang maging consultant ng OPAPP sa oras na siya ay magretiro sa serbisyo at agad naman daw itong pumayag.
Nais nya raw na makatulong para matiyak na tuloy tuloy na maisusulong ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao kahit siya ay isa nang sibilyan.
Aniya nakita nya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao nang mapasama sya sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH.
Namulat raw siya kung gaano karaming sibilyan lalo na mga bata at mga kababaihan ang apektado ng mga sagupaan sa Mindanao kaya nais niyang makatulong para matiyak ang kapayapaan sa buong Mindanao.
Si Galvez ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa December 12, 2018.