HINILING | Kongresista, ipinasasantabi ang usapin sa pagbabago ng liderato ng Kamara

Manila, Philippines – Hiniling ni Davao City Rep. Karlo Nograles na isantabi ang naging isyu sa pagpapalit ng liderato ng Kamara at mas pagtuunan ng pansin ang mga direktibang inilahad ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA.

Ayon kay Nograles, ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ay ang mga hinahangad na mga pagbabago ng kasalukuyang administrasyon.

Katuwiran pa ng kongresista, ang mga utos ng Pangulo ang magpapabuti sa kalagayan ng mga napapag-iwanan at nangangailangan.


Kabilang sa pina-aaksyunan ng Presidente sa Senado at Kamara ay ang panukalang universal health care, pagpapatupad ng taripikasyon sa pag-aangkat ng bigas, at ang Bangsamoro Organic Law.

Ipinaliwanag ni Nograles na ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso ay bahagi lamang ng mas malaking pagbabago tungo sa pagpapabilis sa paglago ng ekonomiya at pagbibigay-ginhawa sa buhay ng mga Pilipino, lalo na ng mga probinsyano.

Facebook Comments