WALANG PROBLEMA | Senator Pacquiao, iginiit na maayos ang kondisyon ng kanyang puso

525

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Senator Manny Pacquiao na malusog at maayos ang kondisyon ng kanyang puso.

Diin ni Pacquiao, patuloy na titibok ang kanyang puso para sa kanyang pagmamahal at malasakit sa mamamayang Pilipino.

Sabi ni Pacquiao, nararamdaman niya na sya rin ay malakas at bata pa.

Ang pahayag ni Pacquiao ay bahagi ng kanyang pasasalamat sa resolusyong ipinasa ng senado na kumikilala sa matagumpay niyang pagsungkit sa World Boxing Association Welterweight belt mula kay Lucas Matthysse.

Nakasaad sa resolusyon ang karangalan at kaligayahan na muling ibinigay ni Pacquiao sa taumbayan sa gitna ng kinakaharap nating hamon sa larangan ng politika at ekonomiya.

Magugunitang ilang araw bago ang laban ni Pacquiao kay Matthysse ay sumailalim ito sa ECG at angiogram dahil sa umano ay problema sa puso.

Facebook Comments