HINILING | Malacañang, pinag-iisyu ng EO para pansamantalang alisin ang taripa sa mga imported goods

Manila, Philippines – Hiniling ng isang kongresista na maglabas ng Executive Order (EO) si Pangulong Duterte kaugnay sa pagtapyas ng taripa sa ilang mga imported na produkto.

Naniniwala si Iligan City Representative Frederick Siao na makakatulong sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa bansa ang pagtapyas sa taripa ng ilang mga imported items.

Magagawa lamang aniya ito agad kung maglalabas ng Executive Order (EO) ang palasyo.


Sa ganitong paraan aniya ay malaki ang tsansa na maibaba agad ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.

Pinabababaan hanggang sa zero ang taripa ng ilang mga imported na produkto tulad ng karne, gatas, sabon, mga gamot at mga engine lubricants ng makina at aircraft.

Sinabi ni Siao na ang ilang mga imported products ay malaki ang impact sa pagtaas ng presyo ng produksyon at retail cost ng LPG, pagkain at ilang consumer items sa bansa.

Facebook Comments