TITIYAKIN | Counter Intelligence, palalakasin ng pamunuan ng BOC

Manila, Philippines – Tiniyak ng bagong upong BOC Commissioner Rey Guerrero na hindi malulusutan pa ng mga ilegal na droga ang ahensiya dahil palalakasin na nito ang Counter Intelligence na siyang tututok sa mga ilegal na aktibidades sa loob ng BOC.

Ayon kay Guerrero mahigpit ang kanyang tagubilin sa kanyang mga tauhan na partikular ang mga Port collectors gawin lamang nila ang kanilang trabaho ng tama upang maibalik ang tiwala ng publiko sa BOC.

Paliwanag pa ng opisyal mahalaga mababawasan ang human intervention sa mga transaksyon sa BOC upang maiwasan ang kurapsyon sa ahensiya.


Dagdag pa ni Guerrero na malabong magkaroon ng Port Congestion na pinangangambahan ng ilang mga kritiko ni Pangulong Duterte dahil sa military takeover sa BOC dahil wala naman umano siyang papalitan na mga personnel basta at ginagampanan lamang nila ang kanilang mga trabaho.

Facebook Comments