Manila, Philippines – Humihirit na rin ang grupong LEAGUE o League of Local overnment Units Employees na gawing 16,000 ang buwanang sahod ng mga empleyado sa mga LGUs para mamuhay ng maginhawa sa harap ng walang prenong pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ito ang nagkakaisang panawagan ng mga unyon ng mga mangagawa sa ibat ibang mga LGU sa isang Discussion Forum sa QC.
Kabilang sa mga nakibahagi ay QC employees Union, mga unyon ng Mabalacat at Candaba sa Pampanga, Atimonan Quezon ,Sta. Rosa sa Laguna.
Ayon kay Erwin Lanuza, National president ng LEAGUE, ang pasahod ngayon sa pribadong sektor ay nasa 10,510 . Ito ay 65% na mataas kung ihahambing sa 6,831 lamang na buwanang pasahod sa mga naglilingkod sa 6th class municipalities.
Ito aniya ay nakakagutom na sahod dahil ang kailangan na ay 33,000 na buwanang sahod para mamuhay ng maginhawa ang pamilya na may anim na miyembro.
Sa ngayon, mayroong 830,000 na empleyado sa may 1,715 LGUs sa bansa.
Hindi Naniniwala ang grupong LEAGUE na kapos sa pondo ang gobyerno dahil naibigay naman ang dobleng sahod ng mga pulis at militar.