HINILING | MILF, nais makilahok sa bicameral conference committee na bubuo sa pinal na bersyon panukalang BBL

Manila, Philippines – Hiniling ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na payagan silang makilahok sa bicameral conference committee na bubuo sa pinal na bersiyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar, nais nilang matutukan ang diskusyon para siguruhing hindi lalabnaw ang maipapasang batas.

Aniya, makatutulong ang BBL na makumbinsi ang ibang grupo tulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Maute na suportahan ang pangkapayapaan.


Sabi pa ni Jaafar, hindi tuluyang makapagbababa ng armas ang MILF kung walang BBL.

Itinakda ng Kamara at Senado sa Hulyo 9 hanggang 13 ang pag-uusap para pag-isahin ang kanilang magkaibang bersiyon ng BBL.

Facebook Comments