IBINULGAR | Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ibinunyag na may mga nagpaplanong harangin ang panukalang BBL

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na may mga nagpaplanong harangin ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Zubiri, may mga grupo at maging political clans ang tiyak niyang maghahain ng petisyon sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng BBL.

Muli namang tiniyak ni Zubiri na tatalima sa saligang batas ang magiging pinal na bersiyon ng BBL taliwas sa pangamba ng ilan.


Aniya, dumadaan sa masusing pagbusisi ng mga senador ang usapin ng BBL dahil pinag-iisipan din nila sakaling magkaroon ng deadlock at kung papaano ito maresolba gaya nalamang aniya ng compliance decrees at national law.

Facebook Comments