Manila, Philippines – Hiniling sa Korte Suprema ng anim na opposition senators na ipagpaliban muna ang oral arguments kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute of the International Criminal Court o sa ICC.
Kabilang sa mga naghain ng motion and manifestation sina Senators Kiko Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Antonio Trillanes IV, Leila de Lima at Riza Hontiveros.
Sa halip na sa August 14 ay idaos ang oral arguments, hiniling ng minority senators na gawin na lamang ito sa August 28.
Ipinaliwanag ng anim na senador na hindi pa kasi nila natanggap ang kopya ng Supreme Court decision na nagbasura sa kahilingan ni De Lima na personal siyang makasali sa deliberasyon.
Sakaling pagbigyan ng Korte Suprema ang mosyon o postponement ay ito na ang ikatlong pagpapaliban sa oral arguments.
Nauna dito ay hiniling na ng nasaabing mga senador sa Korte Suprema na ipawalang bisa ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC dahil wala itong basbas ng Kongreso.