HINILING | Naging basehan ng world bank sa ranking ng Pilipinas sa EODB report 2019, pinababago ng DTI

Manila, Philippines – Hihilingin ng Department of Trade and Industry (DTI) sa world bank na baguhin ang naging basehan nito sa kanilang ease of doing business report 2019.

Batay sa ulat – mula sa 113th place noong 2017, lumagapak sa ika-124 na pwesto ang Pilipinas sa 190 mga bansa pagdating sa larangan ng pagnenegosyo.

Sabi ni DTI Sec. Ramon Lopez – hindi tama ang resulta ng indicator na “getting credit” o pagpapautang na dahilan ng pagbaba ng ranking ng Pilipinas.


Ikinagulat naman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang report at sinabing walang sapat na basehan ang world bank sa pagbagsak ng ranking ng bansa.

Sa halip, inaasahan nila ang pag-angat ng Pilipinas sa EODB ranking dahil na rin sa magagandang repormang inilalatag ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments