HINILING | Pagbuo ng task force na po-protekta sa mga court official, iginiit sa PNP

Manila, Philippines – Hiniling sa PNP ng Quezon City Council na lumikha ng task force na magpaplano sa pagbibigay seguridad sa mga opisyal ng mga korte sa bansa.

Sa ilalim ng resolusyon na pinagtibay ng City Council , partikular na hiniling Philippine National Police PNP Director General Oscar Albayalde na masakupan ng proteksyon ang mga prosecutors, hukom at mga abogado na humahawak sa mga kaso ng mga high profile criminals.

Magugunita na nakapagtala na ng dalawang kaso ng pagpatay sa mga prosecutor na naganap QC.


Isa na dito ang kaso ni QC Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.

Matapos makaligtas sa pitong pagtatangka sa kaniyang buhay, hindi na naiwasan ni QC Deputy Prosecutor Rogelio Velasco ang pananambang sa kaniya sa Barangay Holy Spirit Noong May 11, 2018.

Sumama na rin ang Quezon City Government sa mga miyembro ng Judiciary, Department of Justice, at Integrated Bar of the Philippines na nanawagan para sa pagresolba sa mga nangyaring pagpatay ng mga alagad ng hudikatura.

Facebook Comments