HINILING | Pagkakaroon ng fuel reserve sa bansa, binuhay muli

Manila, Philippines – Binuhay muli ni 1-PACMAN Partylist Representative Michael Romero ang panawagan ng pagkakaroon ng fuel reserve sa bansa kasunod ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market sa $50 per barrel.

Nauna nang inihain noong Mayo ni Romero ang House Resolution 1936 kung saan inirekomenda niya ang pagkakaroon ng reserbang langis ng bansa bilang pangontra sa mataas na inflation.

Sa pagkakataon na ito ay hinihiling ng mambabatas ang pagkakaroon ng fuel reserve sa bansa sakaling muling tumaas ang presyo ng krudo at langis sa pandaigdigang pamilihan.


Iginiit ni Romero na kailangan ang fuel reserves dahil magsisilbi itong insurance protection laban sa inflation dulot ng mataas na presyo ng langis.

Babala ng kongresista, nagiiba-iba ang cycle at presyuhan ng langis sa world market bunsod ng profit-taking, world politics at marami pang iba.

Mas mainam aniyang agapan ang ganitong mga scenario at maging handa sa susunod na magtaas nanaman ang oil prices.

Facebook Comments