Manila, Philippines – Hiniling ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang bawas presyo bill.
Layunin ng panukala na suspendehin ang excise tax sa langis sa ilalim ng tax reform law.
Ayon kay Robredo, nakikiusap siya sa mga mambabatas at kay Pangulong Duterte na gawing certify urgent ang panukala para kontrolin ang inflation.
Sinabi naman ni Senador Bam Aquino, nagkaisa sila ng kanyang mga kapwa senador na suportahan ang panukala.
Ani Aquino, mahalaga ang panukala lalo at ang ikalawang bugso ng dagdag na excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law ay magiging epektibo na sa Enero 2019.
Habang isinusulong sa Senado ang panukala, ang bersyon nito sa Kamara ay naaprubahan na.
Facebook Comments