HINIMOK | COMELEC, hinikayat ang publiko na isumbong ang mga malalaman nilang paglabag sa campaign rules

Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na isumbong sa kanila ang anumang paglabag ngayong campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – ipapadala nila ang kanilang local officials para maberipika na may nilabag sa campaign rules.

Nanawagan si Jimenez sa mga kanditato ay kusa nang tanggalin ang kanilang mga campaign material na sa tingin nila ay lumabag sa election rules.


Sinabi naman ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon – hindi mananatili sa pwesto ang mga incumbent barangay official kapag pumalpak ang eleksyon sa kanilang lugar.

Aatasan aniya nila sa Dept. of Interior and Local Government (DILG) para magtalaga ng mga bagong barangay officials.

Magtatapos ang campaign period sa May 12, Sabado, dalawang araw bago ang araw ng halalan sa May 14.

Facebook Comments