IBUBUNYAG | Second batch ng mga barangay official na nasa narco list, ilalabas na rin ng PDEA

61

Manila, Philippines – Anumang araw ngayong buwan, ilalabas na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang second batch ng mga elected barangay officials na pasok sa narco list.

Ayon kay PDEA Director Wilkins Villanueva – aabot sa 274 na mga opisyal ng barangay ang kanilang ilalabas oras na matapos ang pagva-validate dito.

Sa kabila naman ng mga batikos, nanindigan ang PDEA na mas mananaig ang interes ng publiko kaysa sa umano ay right to privacy ng mga suspected barangay narco-politician sa bansa.

Hindi raw sila matitinag sa pagsasapubliko ng mga pangalan dahil mas kinatigan naman ng korte suprema ang hakbang na ito ng ahensya.

Facebook Comments