Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented Filipinos sa United Arab Emirates (UAE) na samantalahin ang iniaalok na pinalawig na amnesty program ng UAE.
Kasunod nito nagpapasalamat ang DFA sa UAE Government dahil sa nasabing extension ng amnesty program na nagbibigay daan sa higit 30,000 Filipinos na magbalik sa bansa.
Ang three-month amnesty ay nag-umpisa ngayong araw, August 1 at magtatapos sa October 31 2018.
Ayon kay Consul General Paul Raymond Cortez nagpapatupad ngayon ang UAE ng amnestiya para sa mga foreign nationals na lumalabag sa kanilang immigration rules.
Sinabi pa ni Cortez na kung sino man ang mag a-avail ng amnesty ay exempted sa multa at immigration penalties at hindi rin babawalang muling makapasok sa UAE.