Manila, Philippines – Hinikayat ni Committee on National Defense and Security Chairman Senator Gringo Honasan ang lahat na pagtiwalaan anuman ang magiging pasya ng Malacañang kaugnay sa umiiral na martial law sa buong Mindanao.
Pahayag ito ni Honasan makaraang umani ng samut saring reaksyon ang pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na option ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Yan ay dahil sa serye ng mga pagpapasabog kung saan pinakahuli ay naganap sa Sultan Kudarat na ikanasawi ng tatlo katao at mahigit 30 ang nasugatan.
Diin ni Honasan, hawak ng Malacañang ang mga intelligence information mula sa mga sundalo at pulisya sa ground kaya sila ang makakapagdesisyon kung dapat ba o hindi na pahabain pa ang umiiral na batas militar.
Dagdag pa ni Honasan, hindi makatwrian na i-ugnay sa susunod na eleksyon ang usapin sa martial dahil hindi naman kasali ang mga sundalo sa pulitika.
Ipinaliwanag ni Honasan na tanging ang kaligtasan ng publiko mula sa mga terorista ang binibigyang konsiderasyon sa pagpapatupad ng martial law.