HINIMOK | NCRPO, nanawagan sa mga residente ng Metro Manila na isumbong ang mga kakandidato sa barangay elections na sangkot sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Hinimok ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang mga residente ng Metro Manila na isumbong sa mga pulis ang sinumang nauugnay sa ilegal na droga na maghahain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Albayalde, kailangan nila ang kooperasyon ng publiko lalo at posibleng alam nila ang mga maaring nasasangkot sa kanilang lugar.

Layunin aniya ito na maiwasang maihalal ang mga taong konektado sa kalakalan ng droga.


Sinabi rin ni Albayalde na mayroong mga barangay captains, councilors maging tanod ang nasa drug watch list sa Metro Manila na patuloy nilang bineberipika.

Ang mga barangay officials na dawit sa ilegal na droga ay mainit sa mata ng Duterte Administration.

Facebook Comments