HINIMOK | Pagpasa sa universal healthcare bill, hinimok ni Pangulong Duterte sa Kongreso

Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na unahin ang pagpasa ng universal healthcare bill.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na marami pang kailangang i-develop para sa healthcare system ng bansa.

Aniya, kasalukuyan itinatatag ng pamahalaan ang pagpapatupad ng “no balance billing policy”.


Nabanggit din ng Pangulo kung paanong ang ilang mga patakaran at mga pagpapatakbo na nalilimitahan ang universal healthcare para sa bansa.

Tiniyak rin ng Pangulo na makakakuha ang bawat Pilipino ng naaangkop na abot-kayang at kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Facebook Comments