HINIMOK | Pasko dapat maging inspirasyon ng mga empleyado – PRRD

Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rdorigo Rodrigo Duterte ang mga empleyado at mga opisyal ng pamahalaan na gawing inspirasyon ang Kapaskuhan para mas mapagbuti pa ng mga ito ang pagseserbisyo sa taumbayan.

Ayon kay Pangulong Duterte, sana ay maging masaya ang holiday season ng mga taga gobyerno upang mas magkaroon ng sigla ang mga ito na maglingkod pa ng higit sa mga kababayan nating mas nangangailangan.

Sinabi ng Pangulo na ang Pasko ay nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga Pilipino na magkakaroon din ng mas masaganang kinabukasan para sa lahat.


Tiniyak din naman ni Pangulong Duterte na dapat ay mas magtrabaho ang lahat para makamit ang mga hangarin ng sambayanang Pilipino tulad ng pagkakaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan, maibalik ang law and order sa bansa lalo na ang iligal na droga na siyang maituturing na salot sa lipunan.

Facebook Comments