PDG Oscar Albayalde, Nag-turnover ng mga Baril sa Pamunuan ng PRO2!

*Tuguegarao City- *Itinurn-over ni PNP Police Director General Oscar Albayalde ang iba’t-ibang uri ng baril sa pamunuan ng Police Regional Office (PRO2) sa kanyang pangatlong pagbisita sa Tuguegarao City noong November 3, 2018.

Ipinasakamay ni Albayalde ang 300 Units ng Caliber 5.56 Galil Ace, 180 units ng caliber 5.56 Emtan, 350 units ng 9mm pistol, 15 units ng 5.56 mm, 10 units ng 7.62 mm, 240 piraso ng bandoliers ng M16 rifles at 230 piraso ng tactical sling.

Bilang bahagi sa pagdalo ni Albayalde ay pinangunahan rin nito ang pagbabasbas sa panibagong grandstand, chapel at Admin building ng PRO2 maging ang iba pang mga isinaayos.


Sa naging mensahe  ni Albayalde ay hinimok nito na magsagawa ng mga hakbang ang bawat hanay ng PNP  upang malabanan ang insurhensiya sa nasasakupang lugar gaya ng pang-aambush ng mga nasa makakaliwang grupo na kinukuha ang mga armas at baril ng mga pulis at militar.

Samantala, pinasalamatan naman ni PRO2 RD PCSUPT Jose Mario Espino si PDG Albayalde maging ang lahat ng mga dumalo sa nasabing pagbabasbas.

Facebook Comments