HINIMOK | Sen. Koko Pimentel, hinimok ang ConCom na magkaroon ng projection sa magiging kabuoang gastos

Manila, Philippines – Hinimok ni Sen. Koko Pimentel III ang mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom) para alamin ang magiging halaga ng gagastusin para sa isinusulong na federal government.

Katwiran ni Pimentel – Ito ay para mapawi ang pagkabahala ng ilang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa plano.

Aniya, kailangang magbigay ang ConCom ng financial analysis o projection para malaman ang total expense para sa Federalism.


Dagdag pa ni Pimentel – natural para sa isang tao na mag-alala lalo na sa pagbabago ng systema ng gobyerno.

Nabatid na nagbabala ang mga economic managers na ang magiging gastos sa pagpapatakbo ng isang federal form of government sa unang taon ng transition ay posibleng umabot sa ₱120 billion hanggang ₱131 billion.

Facebook Comments