HINDI PA NAGTATAPOS | Pangulong Duterte, may mga bagong sisibakin – ayon kay SAP Bong Go

43

Manila, Philippines – Hindi pa nagtatapos ang sibakan sa gobyerno.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go – mayroon pang mga opisyal na sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dawit sa korapsyon.

On-going aniya ang imbestigasyon sa mga opisyal na napaulat na gumagawa ng katiwalian sa kanilang mga opisina.

Dagdag pa ni Go – nangako si Pangulong Duterte na magpapatuloy ang sibakan hanggang sa huling araw niya sa pwesto.

Pero ipinunto ni Go – hindi basta-basta tinatanggal ng Pangulo ang mga opisyal dahil dumadaan ito sa taman proseso at ibinabase sa resulta ng imbesigasyon.

Kabilang sa mga opisyal na sinibak ng Pangulo ay si dating Tourism Sec. Wanda Teo, dating Interior Sec. Mike Sueno, dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre, at dating Labor Usec. Dominador Say.

Facebook Comments