Hirap ka ba sa pag-aaral? Narito ang ilang tips para sayo!

Karamihan ng mga kabataang pinoy ay hanggang highschool lang ang natapos. Dahil sa kapos sa pera at walang kakayanan na pag aralin sila ng kanilang mga magulang. Mapalad na ang isang bata kung sya ay nakatapos ng Highschool. Isa ka ba sa mga kabataan na hindi kakayanin ng magulang na maka-pagkolehiyo? Alam mo ba na sa ifm Tambayan ay nagbahagi ang isang Rakitera ng Anolid Mangaldan na si Jeschlyn Lambino ng ilang tips kung papaano makatulong sa magulang para makatapos ng pag-aaral.

  1. Mag-set ng goals. Alamin kung ano ba talaga ang gusto mong maging at mangyari habang ikaw ay nag aaral.
  2. Priorities. alamin kung ano ba ang prayoridad mo bilang isang estudyante.
  3. Inspiration at Motivation na nagmumula sa mahal natin sa buhay. Kailangan mong isipin na para sa kanila ang iyong ginagawa.
  4. Dapat maging Resourceful o Maparaan. Kung ikaw ay may natatagong talento o skills gamitin ito para makatulong sa iyong pag aaral.
  5. Time management. Kailangan mo ito ng hindi maapektuhan ang pagiging estudyante mo.

Ito pa ang magandang balita sa pagiging working student. Kadalasan, kapag naranasan mong maging working student, sisikapin mong makatapos sa pag-aaral dahil pinapahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhos mo dito. Kaya’t malaki ang tiyansa mong makatapos sa pag-aaral.


Sipag, tiyaga at panalangin lamang ang kailangan. Huwag lang pababayaan ang pag-aaral dahil sa trabaho.

Ikaw anong tips ang alam mo para maging successful sa pag-aaral?

Photo credited to Google Images

Facebook Comments