Plano ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na magsagawa ng pagdinig ukol sa problema sa paghahanap ng trabaho ng mga bagong nagsipagtapos.
Ayon kay Nograles, mahalagang mabusisi ang job situation sa bansa.
Paliwanag ni Nograles, ito ay para malaman kung ano ang mga pagkukulang, at ano ang maaaring gawin para matulungan ang mga newly graduates na makahanap agad ng trabaho.
Una rito ay hiniling ni Nograles sa gobyerno na agad kumilos at gawan ng paraan na makahanap ng trabaho ang mga nagsipagtapos sa tinatawag na “pandemic generation”.
Nakakabahala para kay Nograles ang report ng Commission on Human Rights (CHR) na hirap makahanap ng trabaho ang mga bagong nagsipagtapos ngayon dahil kulang sila sa “soft skills” at practical job skills na kailangan nila sa pagtatrabaho.