Halos 100 pasahero ng isang sumadsad na barko, nasagip ng PCG

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 85 pasahero ng MV Filipinas Cebu.

Ang nasabing barko ang sumadsad sa Maigo Point, Lanao del Norte nitong ika-20 ng Abril 2023.

Bumiyahe ito mula Lanao del Norte papuntang Ozamiz City, Misamis Occidental.


Ayon sa PCG, sa naturang bilang ay lima sa mga ito ang sanggol.

Rumesponde ang Coast Guard SAR team kasama ang Marine Environmental Protection Unit (MEPU) para magsagawa ng oil spill assessment.

Dito siniguro ng kanilang pwersa ang kaligtasan ng 85 pasahero na maingat na isinakay sa Tugboat Foscon Diamond na ginamit sa naturang operasyon.

Ang MV Filipinas Cebu ng Cokaliong Shipping Lines ay isang RoRo o pampasaherong barko.

Inaasahan naman na maglalabas pa ang PCG ng karagdagang detalye ngayong araw.

Facebook Comments