Hired killer at drug pusher, patay sa buy-bust operation sa Cavite

Manila, Philippines – Patay ang isang hired killer at drug pusher sa buy-bust operation sa Rosario, Cavite kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Joel Ibañez, residente ng barangay Silangan 2.

Akma nang aarestuhin si ibañez nang bigla umano niyang pagbabarilin ang mga pulis.


Gumanti naman ang mga pulis na nag-resulta ng pagkamatay ng suspek.

Narekober sa kanya ang ilang sachet ng shabu.

Facebook Comments