Ilang bahagi ng QC, anim na oras mawawalan ng kuryente ngayong araw

Manila, Philippines – Makararanas ng anim oras na power interruption ang ilang bahagi ng Quezon City ngayong araw.

Dahil ito sa isasagawang reconductoring at pagkakabit ng mga karagdagang lighting protection devices sa bahagi ng 7th street sa Barangay Mariana, New Manila.

Sa abiso ng MERALCO, mawawalan ng kuryente simula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.


Kabilang sa mga maaapektuhan nito ang bahagi ng 7th street mula Doña M. Hemady street hanggang Gilmore Avenue at ang Daughters of St. Mary of Leuca Convent sa barangay Mariana.

Samantala, sa Miyerkules magpapatupad muli ng anim na oras na power interruption at apektado nito ang bahagi ng 7th street mula Broadway Avenue hanggang Gilmore Avenue.

Facebook Comments