Hiring ng mga doktor at nars para sa pampublikong ospital, dapat bilisan

Pinamamadali ni Senator Sonny Angara sa Department of Health (DOH) ang hiring o regularisasyon ng mga doktor at nurse sa mga pampublikong ospital.

Sa impormasyon ni Angara ay nasa 13,700 ang nananatiling contractual na mga doktor at nars sa mga pampublikong ospital kaya marami sa kanila ang umaalis.

Binanggit ni Angara na dahil contractual lang ay salary grade 11 o P23,000 lang kada buwan ang kanilang tinatanggap sa halip na salary grade 15 o P33,000 ayon sa batas.


Ayon kay Angara, 24 billion pesos na pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 ang hindi nagamit at ibinalik sa National Treasury.

Dismayado si Angara na ang 1-bilyong piso rito ay nakalaan sa Human Resource for Health Program ng DOH kung saan nakapaloob ang hiring ng mga doktor at nars

Sabi ni Angara, kailangan ngayon ang mas maraming doktor at nurse para i-deploy sa mga lugar na higit ang pangangailangan dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases lalo na ang higit na delikadong Delta variant.

Facebook Comments