Pinay na nakulong matapos manakit ng nurse sa Hong Kong, tinutulungan na ng abogado

May abogado nang tumututok sa Filipina household service worker na nakulong ng 14 na araw sa Hong Kong matapos manapak ng lalaking nurse doon.

Nabatid na nakaranas ng depression ang Pinay na kinilala lamang sa pangalang “C. Fronda” matapos na i-terminate ng employer ang kontrata nito.

Nang ilipat siya sa restraining bed, pumalag ang Pinay at sinapak nito ang lalaking nurse dahilan para mahilo ito at sumakit ang ulo.


Lumabas naman sa pagsusuri sa nurse na wala naman itong tinamong injuries.

Inamin naman ng Pinay household service worker ang kanyang kasalanan kaya napababa sa 14 na araw na pagkakakulong nito mula sa 21 araw.

Facebook Comments