Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P1.00 taas-pasahe ng ilang transport group sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.
Ayon sa LTFRB, mananatili pa rin ang ₱9.00 minimum fare sa mga jeepney.
Giit ng LTFRB, kinailangan nilang balansehin ang karapatan ng mga motorista na nagdedepende lamang sa pampublikong sasakyan at ng mga operator na naghahangad na kumita.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon ay ang grupong 1-Utak, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).
Samantala, hinihintay naman ng ilang transport group ang desisyon ng LTFRB sa inihain nilang hiwalay na petisyon na humihiling na gawing ₱14.00 na ang pasahe sa jeep.
Itinakda ang pagdinig hinggil sa nasabing petisyon sa Marso 22.