Boston Celtics, wagi kontra Golden State Warriors sa NBA

Wagi ang Boston Celtics matapos padapain ang Golden State Warriors sa iskor na 110-88 sa NBA.

Tinambakan ng Celtics ang Warriors sa 1st, 2nd, at 4th quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.

Nanguna sa koponan si Jaylen Brown na nakakuha ng 26 points, 7 rebounds, at 3 assists at Jayson Tatum na may 26 points, 12 rebounds, at 4 assists.


Nakapag-ambag din sa Celtics si Marcus Smart na nakapagtala ng 20 points, 4 rebounds, at 8 assists habang nasayang naman ang 29 points, 2 rebounds, at 3 assists ni Jordan Poole ng Warriors.

Facebook Comments